FILIPINO SA UNANG TAON, Paaralang Xavier
Optional na Gawain para sa Unang Taon
PAPEL REKOMENDASYON AT PAGNINILAY (REFLECTION)
Hindi natatapos ang punto ng isang sarbey sa pagbibilang at pagtatanghal ng sagot ng mga sumagot dito. Mahalagang maintindihan na ginagawa ang mga sarbey upang may maganap na aksyon pagkatapos malaman ang resulta nito. Kung kaya’t upang malubos ang ginawang sarbey ng mga mag-aaral sa unang taon, lilikha ang mga mag-aaral ng papel na magpapahayag ng kanilang mga rekomendasyon (sa kung ano ang dapat mangyari, magbago at manatili) at pagninilay (sa kung ano ang sinasabi ng mga sagot ng mga tao sa kanilang paraan ng pagpili, o kung ano ang sinasabi ng sarbey tungkol sa personalidad ng mga mag-aaral sa unang taon, atbp).
Ang mga magpapasa ng papel ay magdaragdag ng tatlumpung (30) puntos sa kabuuang puntos ng mga pagsubok sa klase at parang kukuha ng isang bagong pagsusulit. Isang pagkakataong maiangat ang marka sa pagsusulit ang gawaing ito at HINDI BONUS. Hindi risk-free ang gawaing ito. Kailangang de-kalidad ang inyong ipapasa upang makakuha ng mataas na marka.
Susukatin din papel na ipapasa ang kahusayan ng mag-aaral sa paggamit ng mga Pandiwa at Pang-uri na tinalakay sa klase nitong nakaraang markahan.
Inaasahan ang pagkakaroon ng mahusay na organisasyon ng mga ideya, ang pagkakaroon ng maayos na Panimula, Katawan at Pagwawakas, at ang pagkakaroon ng sariling opinyon na base rin sa
Ganito ang dapat maging ayos ng ipapasang papel:
1-2 pahina
short bond paper
1” margins on all sides
Times New Roman, Book Antiqua o Calibri
Font Size 12
1.5 Spacing
RUBRIC PARA SA PAGMAMARKA
Nilalaman 10 puntos
Kaisahan at Organisasyon 6 puntos
Gamit ng Pandiwa 7 puntos
Gamit ng Pang-uri (Panlaping Makauri, Kaantasan at Pamilang) 7 puntos
Pinakamataas na Marka na Maaaring Makuha (HPS) 30 puntos
Sa itaas ng papel ang pangalan. Halimbawa:
John Paolo So G. Cuepo
H1F – BK 32 Oktubre 23, 2009
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento