Linggo, Agosto 31, 2008

AV Book 4 (Last)

Rating:★★★
Category:Books
Genre: Comics & Graphic Novels
Author:Steve T. Seagle, Cloonan, Rugg
I coughed up 900 bucks to complete my collection of this series. I then spent about an hour reading the work. I came out of the whole experience badly bruised.

It is anti-climactic to say the least. Nothing happened. And maybe because we are in a post-modern world, the protagonist's mission has to end in failure and in _ _ _ _ _ (I do not want to be a total spoiler).

Looking back at the whole, I can say that the excitement in the story-telling ended in the second part. Those in the third and fourth are possibly solely money-making ventures. Maybe the publishers are saying "We can't let go of a good idea that has intruiging premise as its foundation! Let us make more! There are people like that Jules Hernando whole fall into our trap!"

It seems to me that my only consolation now is that I have collection. That AV is now complete and I learned what is at its end.

I have so far completed two comic book series; the AV and Shazam!. And I am not very satisfied with my choices. I hope, Bone does not leave me feeling robbed too. The same goes to Thor.

Pagpaparangal sa Ating Wika (Sa Ilang Salita at Gawa)

Lima na ang natatapos. Dalawa na lang.

Pito ang mga gawaing itinakda ng Kagawaran ng Filipino para kahit paano bigyan ng puwang ang pagtatanghal sa wikang Filipino sa konteksto ng Xavier.  Tapos na ang Palarong Pinoy at Tales From Mindanao ng High 1, ang Dulang Panradyo ng High 3, at Bigkas at Misa gamit ang wikang Filipino na unit wide activities. 

Nariyan din ang mga kompetisyon sa paggawa ng Bulletin Board, Tula, at Slogan.

May ilang oras din na masasabing isinantabi para sa mga gawaing ito.  At may mga tao sigurong cynical na magbibigay ng opinyon na pag-aaksa lamang ito ng panahon. Ngunit iyon nga ba ang katotohanan?  Sa aking palagay, hindi.  Anumang oras na inilaan sa pagdakila ng anumang may kinalaman sa ating pagkakakilanlan bilang Filipino ay hindi pag-aaksaya ng oras.  Manapa'y mga mahahalaga itong panahong iginugol sa napakahalagang bagay ng pagbibigay pundasyon sa ating pagka-Filipino.

Humanga ako sa mga taong kasama ko sa Kagawaran na, sa aking palagay, mga kapwa ko sila guro na lumagpas sa mga hinihingi sa kanila ng kanilang tungkulin.  At ano ang nagbigay ng enerhiya sa kanila upang lagpasan ang "tama lang" at ibigay ang "magis?"  Marahil may magsasabi, pag-aangat sa sarili.  Marahil nga.  Ngunit, hindi siguro iyon ang kabuuan.  Sapagkat kung iyon lamang, gaano ang itatagal ng pagbibigay ng sarili?  Sandali lamang at hindi maglalaon, mawawalan na ng gana kung hindi makukuha ang papuring hinahanap.

Pagmamahal sa wikang Filipino  at paniniwala sa kanilang mga itinuturo ang tunay na susog ng pagbibigay ng mga sarili ng mga kasama ko sa Kagawaran.  At ginagawa nila ito kahit na walang papuri at sa kabila ng ilang pamimintas.

Isang Dapithapon ng Tula at Musika




Ninakaw ko ang mga larawang ito kay G. Pinlac. Hindi ko naman alam kung kanino niya ninakaw. May mga litrato rin akong kinuha kay G. Crisostomo pero hindi ko alam kung bakit ayaw basahin ng Multiply. Mayroon na rin akong isinama galing sa estudyante kong si Brian Polo. Salamat sa lahat!

I (Used to) Hate Kids Since They'll Grow Up Eventually

Within two months, I'll be an uncle thrice over. 

I am excited for my brother, Jason and my sister-in-law, Rhoda.  This will be their first baby.  I was reading Rhoda's blog on pregnancy and the fact that Filipinos abroad still hold on to beliefs or superstitions about pregnancies even though they are in another country and even in a predominantly Muslim state such as UAE.  The things she enumerated are kind of funny.  My opinion on the matter is that there is no harm in following them.

There is a possibility that their child would be a boy.  If this will be the case, theirs would be my first nephew. A few weeks ago, Jason sought my help to think of or suggest a good name for a baby boy since their prepared name is for a girl.  Guess what, I could not think of anything.  Even until now. Not that I am racking my brains over the matter. Or maybe, I just fear that I might suggest an ugly name, then my brother falls for it and my nephew would end up hating me for the rest of his life.

Anyhow, the title of this blog would be "kid" if I only mentioned one.  So, here is another. Yesterday, I met a long lost inaanak or godchild.  His name is Abram Joseph. The last time I saw him was when he was in diapers and needs to be carried around.  In fact, it was a few months after he was born.  He is now in shorts and he can walk on his own. No, no. Not just walk, let me correct myself on that point--he can now do taekwondo for he is now seven years old! 

Oh boy, time really just flies!

Speaking of time flying, my two nieces, Naya and Aysha are growing up so fast. The former is now ten years and has read 12 of the 13 SUE (Series of Unfortunate Events) novels, all the Harry Potter Books, volumes of Nancy Drews, and other printed materials.  She is gobbling up books.  This is some sort of a mea culpa for me since I was the one who would lend her some of those I mentioned above ('cept the Nancy Drews, that's her mom's). And so to put a bit of "normalcy" into my inaanak/niece's life, I introduced her to comic books. We are now into the fourth volume of Bone.

Meanwhile, little 6 year-old Aysha is discovering reading, drawing and painting, violin playing, and making herself pretty.  She can dress herself up like Polly pockets I give her as gift.  But, she is no girly girl.  In fact, she is a lot to handle because she is soooo active.  She does taekwondo, runs and jumps around a lot.  But she's quite malambing too.  When I arrive at their place to visit, she would say: "Ninoooong" although it is Jason who is her real ninong.  Of the two, she is the one who asks my hand for mano and loves to sit on my lap.

Haaay, with these kids, do I really need my own?      

Miyerkules, Agosto 27, 2008

The Clone Wars

Rating:★★★★★
Category:Movies
Genre: Animation
This movie is breathtaking and it is a joy to watch. I cannot say that there is a dull moment in the film. At first, I thought that giving a Padawan to Anakin would make the film a bit mushy and a bit Karate Kiddish but no. Making the Star Wars animated opened it up to so many possibilities in terms of what can be shown on the big screen. I wanna watch it again.

Miyerkules, Agosto 20, 2008

I Met The Zohan

Rating:★★★★
Category:Movies
Genre: Comedy
Gusto ko lang huwag mag-isip at tumawa. Nakuha ko namang pareho sa pelikulang ito. At sa wakas, napatawa na rin ako ng pelikula ni Adam Sandler.

Huwebes, Agosto 14, 2008

Wall-E

Rating:★★★★★
Category:Movies
Genre: Animation
Human beings discovered their humanity because a robot longed for a companion: a very human need (I am an exception.)

Biyernes, Agosto 1, 2008

PWE!

Hindi ko maari ang tawag na makata o sa madaling salita, insecure akong manunulat ng tula.  Ito ang damdamin ko kahit manaka-naka'y nagsusulat ako ng tula at minsa'y mailathala na ang isa sa mga gawa ko sa "Pugad" ng Ateneo High School. 

Simple lang ang dahilan ng pag-aatubili ko: hindi ako aral sa pagsusulat ng anyong pampanitikang ito.  Mahilig lang akong bumasa at pigain ang utak ko at ang teksto para makuha ang kahulugan nito.  Bagama' t hindi pa ako nakakatikim ng opyo at naguguni-guni ko lang ang epekto nito, mailalarawan kong parang opyo sa akin ang isang magandang tula.  Naha-high ako rito bagama't hindi naman ako itinatakas sa katotohanan bagkus ay higit pa nga akong ikinakabit dito.

Pero, tila nag-iiba ang pananaw ko sa sarili ko habang nagtatagal ako dito sa Xavier.  Parang unti-unti kong naaari ang katawagang makata.  Una na, nariyan ang mga estudyante ko noong nakaraang taon.  Sila ang unang nakarinig ng ilan sa mga tula kong nilikha.  Hindi ang pangangailangan ng atensyon ang nagtulak sa akin na ipakita sa kanila ang mga tula ko kundi ang pangangailangang magbahagi sa kanila ng ugnayan ng manunulat at lipunan , pati na ang proseso ng paglikha ng panitikan sa simula ng taon.  Gusto kong manggaling sa tunay na karanasan ang ibabahagi ko sa kanila at hindi galing sa teorya. 

Nakapagdulot ng tuwa sa akin ang reaksyon nila partikular ang isang mag-aaral na nagbilin sa akin na bago sila magtapos dapat akong sumulat ng iang tula para at para lang sa kanila.  Pero ayaw kong tapikin ang sarili kong balikat nang kahit bahagya, kasi estudyante iyon.  Baka nambobola lang.

Kalagitnaan naman ng taon nang maganap ang unang "Bigkas."  Bumuo nuon ang Student Council at mga Kagawaran ng Filipino at English sa pangunguna ni Boom ng isang programa kung saan magkapagtatanghal ang mga guro at mga mag-aaral ng musika't awitin at makapagbabasa ng tula.  Marami kaming nagsalita, isa lang ang boses ko sa maraming tinig subalit tila pagkakataon sa buhay ko iyon na hindi ko malilimutan. Sa okasyong iyon ako unang bumigkas ng tula sa higit na malaking larangan at publiko.  Hindi marami ang tao, maliit lang ang stage pero lupa ang sahig namin at langit ang bubong at sangkalikasan ang nakikinig (ginawa kasi sa patio!)  Wala nang higit pang lalaking larangan at publiko kaysa roon!  Idagdag pa ang reaksyon ng ilan sa mga kapwa ko gurong naging kaibigan ko sa Xavier.

At heto pa nga ang hapong ito.  Sa paanyaya ng aming school director, sumali ako kasama ang ilang kapwa guro sa ilang sandali ng pagbabahaginan ng pagkain, inumin, at mga tula.  Pinili kong unang basahin ang isang tula ni Teo S. Baylen, "Ang Tinig ng Darating" at ikalawa ang sarili kong tula na nilkha bilang tugon sa bilin nuong mag-aaral na tinutukoy ko.  Binasa ko ang gawa ni Teo at ang sa akin ayon sa adaptasyon ko ng estilong narinig kong ginamit ni G. Michael Coroza nang magbasa siya ng tula sa klase namin sa MA.  Walang hiya-hiya kasi nasa piling ako ng mga kaibigan.  Bantulot ako nuong simula kaya pamali-mali ako pero unti-unti, nabuo ang tinig ko at lumambot ang aking dila.  Nagawa ko na maglagay ng tono at damdamin.

Ang karanasan ko ngayong hapon ay parang microcosm ng naging buhay ko dito sa Xavier sa halos dalawang taon ng pamamalagi ko rito.  Nasa piling ako ng mga taong ibang iba sa akin sa maraming larangan at aspekto subalit tulad ko rin ay nagpupunyagi, nagtutulungan at nag-aalalayan na palabasin ang pinakamagaling na maaari sa aming mga sarili.