Kumpisal
ni Stanly Sy, H4B
Sa isang confessional box sa Mary the Queen Parish.
Fader,
Magandang araw ho.
Bibilisan ko na lang ho,
Baka kasi masyado Kayong
Abala't may
gagawin pa Kayo.
Ito po ang aking mga kasalanan:
Patawad po't ganito lang
Ang ayos ko.
Na alikabok lamang ang
Maipampupulbos
Sa mukha ko.
Na di man lang Green Cross
Ang magamit para
Matanggal ang alingasaw
Ng katawan ko.
Na kuto, at hindi
Gel o pomada,
Ang nagpapatayo
Sa buhok ko.
Na mas nakikinabang pa
Ang nabubusog na surot
Kaysa sa akin dito
Sa suot ko.
Ipagpaumanhin po Ninyo
Ang ayos ko.
Patawad po't hindi ko po
Naipalaglag
Ang ikaanim kong anak.
Papunta na po kasi
Kami sa doktor
Kaso natrapik po kami't
Bumigay na sa dyip
Ang misis ko.
Pananatilihin ko na
Lang po siyang payat
Para naman ho
Hindi kami lalong
Padagdag sa pagkakasikip
Dito.
Ipagpaumanhin Ninyo
Ang anak ko.
Patawad po't iisang santo
Na lang ang
Natatandaan ko.
Si San Miguel ho.
Siya lang naman kasi
Ang nakakapansin
Sa katulad ko.
Patawad rin po kung
Kara y krus
O tong-its lamang
ang maipamamana ko
Sa 'king mga anak
Dahil ito lamang
Ang aking tanging yaman.
Ipagpaumanhin po Ninyo
Ang bisyo ko.
Patawad po't di ko pa
Ipinapahuli
Si Big Boy
Siya lang ho kasi
Ang nakapagbibigay
ng trabaho kay Magdalena.
Wala na kasi siyang
Mapasukang trabaho
Kaya kama na lang ang
Kanyang opisina't
Siya ang pinapasukan.
Ipagpaumanhin Ninyo
Ang asawa ko.
Patawad po at nasibak
Ako sa trabaho
Hindi raw po kasi
Magagamit ang mga
Di nakapag-aral tulad ko.
Kaya binebentahan ko
Na lang ng pampalipas
Iyung kapitbahay kong
Laging tuliro't tulala
Para may makain man lang
Ang pamilya ko.
Ipagpaumanhin po Ninyo
Ang trabaho ko.
Patawad po at kailangan
Ko lang talagang makita
kayo nang harap-harapan
Mabilis lang po talaga...
Mabilis lang po.
Fader,
Ipagpaumanhin ninyo
ang gagawin Ko.
Stanly created this poem for our advanced class in Filipino last year: 2007-2008. My colleagues at the Filipino Department deemed it worthy to be part of the PAASCU exhibit of the department. In my eyes, it is a good poem. I am proud of it and thankful for the appreciation given by the likes of G. Cuepo. I hope the reader would also appreciate at the very least the effort behind it.
As part of the requirement, Stanly further wrote:
Bagaman walang kasintahang tao, parang pag-ibig at pag-irog sa nobya ang pagturing ni Stanly sa kanyang pagmamahal sa panitikan. Kung hindi abala sa trabaho sa paaralan o Mary the Queen Parish, mahilig si Stanly sa pagbasa ng libro at sumulat ng tula. Ang paboritong aklat niya sa kasalukuyan ay For One More Day ni Mitch Albom at ang paboritong tula niya sa kasalukuyan ay Tonight I Can Write the Saddest Lines ni Pablo Neruda.
May Stanly and my other students continue their love affair with literature while finding the true love of their lives.
ahaha ang bilis ng panahon. thanks to my creative writing class in UP, sobrang nadiscourage na ako sumulat ng tula. :)) hands off na ako sa mga tula from now on. but thanks for the appreciation on this one, mr. H! :D
TumugonBurahinstanly idol!
TumugonBurahinsi sir na rin! hahahaha
starbucks!!! whoo!!! piso bawat patak. whooo!!!!
TumugonBurahinI can't breathe. O.o So depressing. UHH.... heavy chest.
TumugonBurahinPlease, Stanly, do not stop writing. Do not let one teacher determine what you can and cannot do, how you can and cannot manipulate language. At saka hindi naman ganon kababa ang grado mo sa kanya, di ba? Ibig sabihin lang nun, para sa akin, you can do better. You are good na but there is still room for improvement. Hindi pa naman tayo nagiging national artist, gi-give up na tayo? No way! Hahahaha!
TumugonBurahinHahaha! Totoo, ganyan ang epekto ng pag-e-emo ni Stanly.
TumugonBurahinI bet, sumusulat din kayo ng tula sa Ateneo? Share ka naman. Or this semester pa lang 'yun? In any case, tumula ka pa rin.
TumugonBurahinThanks, fan! Inspirations come so far in between nowadays.
TumugonBurahinwahaha national artist, parang ang farfetched naman! :)) siguro take a break na lang muna. discouragement sets in like a strong piece of residue diba. so magbabasa na lang muna ako tapos kung nastimulate ako muli, eh di okay! :p
TumugonBurahinGood! Sayang naman ang talento mo sa paggamit ng wika. Good luck nga pala ulit sa 2nd semester.
TumugonBurahinsalamat!
TumugonBurahin