Lunes, Hunyo 23, 2008

Unwanted Long Weekend

A long weekend at any other period of the school year is a welcome respite for me as a teacher and as a student.

A long weekend at the start of the school year is unacceptable, unpleasant, and unwanted.

I hope, however, that this is not the last.

Martes, Hunyo 17, 2008

Linggo, Hunyo 15, 2008

Incredible! Hulk

Rating:★★★★
Category:Movies
Genre: Action & Adventure
Do not make comparisons between this movie and the first one. Instead, make an effort to evaluate it on its own merits and you would end up being satisfied with this new film about the Hulk. There is an attempt to make it a sequel to the first one although new actors are playing the lead parts. I like Edward Norton and Liv Tyler as well as the actor that plays Banner's main nemesis. The Hulk has also been portrayed in a setting that is darker perhaps to hide the inadequacies of potraying him in CGI.

Nothing Happened: The Happening

Rating:★★
Category:Movies
Genre: Mystery & Suspense
There are parts that are engaging but generally, the movie is disappointing. In the end, when everything that happened was explained, you would feel that you have been taken for a ride.

It's a good thing I watched it at an SM cinema. My Advantage Card gave me a ten peso discount to a ticket that is already relatively cheap compared to Robinson's and Promenade.

Shyamalan definitely cannot duplicate his The Sixth Sense feat. He's no next Steven Spielberg. Do not attempt to find out on your own by watching this film.

Biyernes, Hunyo 13, 2008

Unang Linggo

Exciting pa rin ang pagtuturo!

Nakatulong na maganda ang kombinasyon ng assignment na ibinigay sa akin.  Extremes daw, sabi ng ibang kapwa guro.  Dalawang High 1 Regular Classes at ang High 4 Advanced ba naman.  Pero kumpara noong nakaraang taon na tatlong mga High 4 lamang ang hawak ko, higit na mainam ang sitwasyon ko ngayon. Higit kong mapagtutuunan ng pansin ang pagrerepaso sa programa ng advanced halimbawa na at hindi lamang basta ang pag-iisip kung paano ko maiiba sa regular ang advanced. Ang nagiging tuon sa dating sitwasyon ay ang paglalagay lamang ng pagkakaiba sa dalawa at hindi ang kaisahan ng buong programa ng advanced.

Nakatulong rin na gamay ko na ang nilalaman ng kurso ng klase ng advanced.  Sa akin kasi, mahalagang malinaw na ang patutunguhan ng buong taon upang makakilos ako nang higit na maluwag sa loob ng parametrong itinakda sa akin ng isang programa.

Isang bagong hamon naman ang hinaharap ko sa pagtuturo dahil ngayon pa lamang ako magtuturo ng Filipino sa mga nasa unang taon ng high school.  Idagdag pa na ang isa dito ay nasa ilalim ng programang one to one computer based education.  Bago ang content, bago din ang technique at bago ang operating system, hindi windows, hindi mac, kundi ubuntu.  Sobrang paglabas sa comfort zones ang hinihingi sa akin at natutuwa ako dahil dito.  Ito rin naman kasi ang nagugustuhan ko sa Xavier, nagpapatuloy ang paglago ko bilang guro dahil sa mga bagong bagay at hamon.  Kung baga ang kinalalagyan ko ngayon ay mayroong bahaging luma at bahaging bago.  Kailangan ko ang luma para maramdaman ko sa sarili ko na meron na akong nagawa at napagtagumpayan at kailangan ko din ang bago upang maramdaman ko na meron pa akong ibubuga.

Ilang araw ng unang linggo pa lang ito.  Hindi pa tapos ang trabaho sapagkat mayroon pang LPs na kailangang ihanda at bagong operating system na kailangang pag-aralan subalit tatapusin ko ang araw ng biyernes na masaya.

Linggo, Hunyo 8, 2008

Kung Fu Panda

Rating:★★★★
Category:Movies
Genre: Animation
I have never heard audiences laugh out so long, so loud, so hard, and so often inside a movie theater. The movie's plot may not be that original for those of us who watched Jackie Chan's early films or the Karate Kid series of the 80s but this movie is a must see on the big screen for its comedy and its action scenes. One will surely fall in love with one or two of the characters in the end.

Do this: stay until the very last part of the credits, there is a footage there that may be an "awwww moment" for some.

Downside: Sam Concepcion's take on Kung Fu Fighting is used in the end.

Huwebes, Hunyo 5, 2008

Prince Caspian: For Aslan!

Rating:★★★
Category:Movies
Genre: Action & Adventure
Kung pagbabatayan ang mga maiingay na bata sa kagandahan at kapangitan ng isang pelikula, masasabing kong maganda ang Prince Caspian. Tahimik ang mga bata dito--malamang na dahil sa kapana-panabik ang pelikula, nakamamangha ang mga tauhang di tao at nakaeenganyo ang tunog at musika at hindi dahil tulog na sila.

Negatibo: Bakit kailangang isingit ang namuong pagtitinginan sa pagitan ni Caspian at Susan? Wala ito sa aklat at hindi naman masisira ang kuwento kung wala nito. Sa simula nga, hindi conflict ni Susan ang humanap ng kaparehas sapagkat iniiwasan pa nga niya sa totoong mundo ang isang binatilyong hindi niya gusto. Lumalabas tuloy na dahil may hitsura ang prinsepe, nagkandarapa na ang reyna sa kanya at dahil nerdy ang binatilyo mula sa kanyang panahon, iniwasan niya ito.

Mga katabi sa sinehan na kumakain ng sosyal pero maamoy na pagkain at buntong-hininga nang buntong hininga ng "ang guwapo ni Caspian," "ang guwapo ni Peter," "Ang guwapo ni Edmund." "Ang pangit ni Susan." Ang hirap talaga ng galit sa kapwa guwapo.

Positibo: Nakamamangha pa rin ang visuals ng pelikula. Nabigyang laman ng medium ng pelikula ang mga kulang ng pasalitang pagsasalaysay. Hindi nagsesermong at nagtangkang magsermon ang pelikula. Subtle lang ang pagpapahayag ng conflict ng character ni High King Peter. Gusto niyang tumayo sa sariling paa tulad ng karaniwang binatang lalaki kaya nagtang(k)a siyang kumilos nang hiwalay at malaya kay Aslan. Kung iisipin na alegorya ng Diyos at ni Kristo si Aslan, madaragdagan ang pagmumuni-muni sa aspektong ito. Masama ang kinabibilangang lahi ni Prince Caspian subalit lumaki siyang mabuti at bukas ang isip dahil sa kanyang guro. Bagama't ilang beses siyang tinukso ng pagkakataon na maging tulad ng mga kalahi niya, napaglabanan at napagtagumpayan niya ito. Importante talaga ang mga guro! Ipinakikita rin na higit na mahalaga ang kaligirang humuhubog sa tao kaysa sinasabing kalikasan niya.

Hindi na makababalik pa sa Narnia ang dalawa sa mga tauhan matapos silang bumalik sa ating mundo. Ang dahilan ay ang pagtanda nila sa edad. Maiging tandaan ito: ang pananatiling bata sa pagmamalay at puso sa pamamagitan ng pagkamangha ay kinakailangan upang makapasok sa daigdig ng Narnia.