Exciting pa rin ang pagtuturo!
Nakatulong na maganda ang kombinasyon ng assignment na ibinigay sa akin. Extremes daw, sabi ng ibang kapwa guro. Dalawang High 1 Regular Classes at ang High 4 Advanced ba naman. Pero kumpara noong nakaraang taon na tatlong mga High 4 lamang ang hawak ko, higit na mainam ang sitwasyon ko ngayon. Higit kong mapagtutuunan ng pansin ang pagrerepaso sa programa ng advanced halimbawa na at hindi lamang basta ang pag-iisip kung paano ko maiiba sa regular ang advanced. Ang nagiging tuon sa dating sitwasyon ay ang paglalagay lamang ng pagkakaiba sa dalawa at hindi ang kaisahan ng buong programa ng advanced.
Nakatulong rin na gamay ko na ang nilalaman ng kurso ng klase ng advanced. Sa akin kasi, mahalagang malinaw na ang patutunguhan ng buong taon upang makakilos ako nang higit na maluwag sa loob ng parametrong itinakda sa akin ng isang programa.
Isang bagong hamon naman ang hinaharap ko sa pagtuturo dahil ngayon pa lamang ako magtuturo ng Filipino sa mga nasa unang taon ng high school. Idagdag pa na ang isa dito ay nasa ilalim ng programang one to one computer based education. Bago ang content, bago din ang technique at bago ang operating system, hindi windows, hindi mac, kundi ubuntu. Sobrang paglabas sa comfort zones ang hinihingi sa akin at natutuwa ako dahil dito. Ito rin naman kasi ang nagugustuhan ko sa Xavier, nagpapatuloy ang paglago ko bilang guro dahil sa mga bagong bagay at hamon. Kung baga ang kinalalagyan ko ngayon ay mayroong bahaging luma at bahaging bago. Kailangan ko ang luma para maramdaman ko sa sarili ko na meron na akong nagawa at napagtagumpayan at kailangan ko din ang bago upang maramdaman ko na meron pa akong ibubuga.
Ilang araw ng unang linggo pa lang ito. Hindi pa tapos ang trabaho sapagkat mayroon pang LPs na kailangang ihanda at bagong operating system na kailangang pag-aralan subalit tatapusin ko ang araw ng biyernes na masaya.
syempre masarap! ang lamig sa xavier!
TumugonBurahinpero... masarap din naman sa ateneo kasi mainit. hehehe...
kaya pala nasarapan si rizal diyan
mas mainam ngyon!?! HA ang baet namin noon !! mas ok kami at mas madali HAHAHAH hi cherr miss ko na kayo!!! haha at ang XS :) GOO Cher kaya mo yan !! experiment AHHAHAH learn from us joke :)) AHHAHA :)
TumugonBurahinSana mas lalo ka pang mag grow naks. hahaha. fulfilled ka naman sa 4F dba? special pa rin kami kahit na dumating mga students mo hahaha. miss ko kayo cher. salamat last year kahit medyo hindi ata maggamit filipino dito. sana magkita tayo ulit. goodluck at hanga ako sa commitment mo. :)
TumugonBurahingood luck jules!
TumugonBurahinmusta mga bago mong biktima, este, mag-aaral? HAHAHAHA
TumugonBurahinHahahaha! Hindi pa naman nila alam na biktima sila! Kumusta ang UP? Mukhang nag-e-enjoy ka naman kasi hindi ka na dumadalaw pa sa Xavier.
TumugonBurahinTongfu, kumusta ka na? Nakatutuwa ang klase mo dahil dinadalaw nila kami. Sila ang pinakamarami sa mga dumadalaw. Good luck diyan. Huwag kang mag-alala may mga Filipino kang makakahalubilo d'yan at magagamit mo ang Filipino.
TumugonBurahinmukha lang. :| di lang ako dumadalaw sa Xavier at baka lalo pa akong maging miserable. :|
TumugonBurahinMiserable? Anong nangyari? Rod was here last Saturday and he was not happy. The same is true with Leigh.
TumugonBurahinHey Rod! Thanks for visiting us last Saturday. Keep the faith, okay?
TumugonBurahinnandyan ako sa XS kanina lang. di mo ata ako naabutan, dami kong nasalubong, bago mag-first period. :)
TumugonBurahinhindi sa "anong nangyari" eh... more of: what we all missed out on, especially knowing na nandun na kami sa admu. pumasa na kami and all, pero tinalikuran namin yun. :) i elaborated more on my blog, dun na lang para mas maramdaman mo. nyahaha nagplug eh noh? :p
pero i dnt think un lng ung reason prng nagturn down ng admu...?! i dunno prang sa akin thats a possibility pero d ganong a big.... O_o?! i dunno
TumugonBurahin