Rating: | ★★★ |
Category: | Movies |
Genre: | Action & Adventure |
Negatibo: Bakit kailangang isingit ang namuong pagtitinginan sa pagitan ni Caspian at Susan? Wala ito sa aklat at hindi naman masisira ang kuwento kung wala nito. Sa simula nga, hindi conflict ni Susan ang humanap ng kaparehas sapagkat iniiwasan pa nga niya sa totoong mundo ang isang binatilyong hindi niya gusto. Lumalabas tuloy na dahil may hitsura ang prinsepe, nagkandarapa na ang reyna sa kanya at dahil nerdy ang binatilyo mula sa kanyang panahon, iniwasan niya ito.
Mga katabi sa sinehan na kumakain ng sosyal pero maamoy na pagkain at buntong-hininga nang buntong hininga ng "ang guwapo ni Caspian," "ang guwapo ni Peter," "Ang guwapo ni Edmund." "Ang pangit ni Susan." Ang hirap talaga ng galit sa kapwa guwapo.
Positibo: Nakamamangha pa rin ang visuals ng pelikula. Nabigyang laman ng medium ng pelikula ang mga kulang ng pasalitang pagsasalaysay. Hindi nagsesermong at nagtangkang magsermon ang pelikula. Subtle lang ang pagpapahayag ng conflict ng character ni High King Peter. Gusto niyang tumayo sa sariling paa tulad ng karaniwang binatang lalaki kaya nagtang(k)a siyang kumilos nang hiwalay at malaya kay Aslan. Kung iisipin na alegorya ng Diyos at ni Kristo si Aslan, madaragdagan ang pagmumuni-muni sa aspektong ito. Masama ang kinabibilangang lahi ni Prince Caspian subalit lumaki siyang mabuti at bukas ang isip dahil sa kanyang guro. Bagama't ilang beses siyang tinukso ng pagkakataon na maging tulad ng mga kalahi niya, napaglabanan at napagtagumpayan niya ito. Importante talaga ang mga guro! Ipinakikita rin na higit na mahalaga ang kaligirang humuhubog sa tao kaysa sinasabing kalikasan niya.
Hindi na makababalik pa sa Narnia ang dalawa sa mga tauhan matapos silang bumalik sa ating mundo. Ang dahilan ay ang pagtanda nila sa edad. Maiging tandaan ito: ang pananatiling bata sa pagmamalay at puso sa pamamagitan ng pagkamangha ay kinakailangan upang makapasok sa daigdig ng Narnia.
Nawalan ako ng gana every time nakikita ko ang mga Lord of the RIngs-ish effects.
TumugonBurahinOnly the actor who played King Miraz was the laudable thing in the movie.