Tapos na ang frenzy ng pasko.
Parang biglang nag-sudden stop ang buhay sa akin. Hindi slow mo; stand still talaga. 26 pa lang ng December, pakiramdam ko tatlong linggo na mula noong magsimula ang christmas break. Nakakabato na. Pinipilit ko ngayon ang sarili kong bumalik sa realidad ng pagtse-tsek ng papers at pagtapos ng requirements para sa MA pero hindi ko magawa.
Ang mga kaibigan at kamag-anak naman, focused na uli sa kani-kanilang mga trabaho kaya inuubos ko ang oras sa panonood ng mga walang kuwentang pelikula gaya ng Mighty Ducks 2 at Enchanted. Walang maaasahan sa Cable tv. Ang daming channels pero basura lahat ang palabas. Hindi naman makapag-mall dahil puro MMFF movies pa. Sana pala nagtipid ako ng pera dahil balita kanina, floor prices ang bentahan--iyon nga lang sa Divisoria. Buti na lang andyan ang Multiply at ang autobiography ni Golda Meir.
Sana January 6 na.
Sori! Hindi rin! Gusto ko pang magpahinga! Ayaw ko pang hiwalayan ang bed kong matagal ko nang na-mi-miss! Kailangan pang ma-detoxify ang katawan mula sa lahat ng nilantakan ngayong pasko. Ang sarap pang magtulog nang hanggang 10 am at gising hanggang 2 am.
I liked Mighty Ducks 2. :(
TumugonBurahinI liked it the first time I saw it. But that was what, 15 years ago? Kanina, napilitan akong panoorin. Wala na, wala nang appeal.
TumugonBurahinsomeone's being a scrooge...
TumugonBurahin... ika nga ni chewey - "batcave" tayo bago mag pasukan.
A scrooge after christmas? Galing!
TumugonBurahinTo the batcave! May pera pa ba?
bakit ganoon?! ako hindi ko pa nga nararamdaman ang pasko para sa sarili ko eh. haha
TumugonBurahinAko na kukulangan pa nga ako magpahinga, gusto ko pang magbakasyon...wag kang ganyan Jules, kasi kapag balik natin sa 6 tuloy-tuloy na naman ang trabaho...
TumugonBurahinMukhang iyon ang kabayaran ng pagtatakwil sa single blessedness! Ngeeeeee!
TumugonBurahinOo nga. Tapos bugbog pa sa observations. Kaya... sagarin ang buhay-batugan!
TumugonBurahinayoko pang bumalik sa school! harhar
TumugonBurahinOo nga eh. Pero ang hirap ng buhay bum.
TumugonBurahincher workaholic ka pala? haha ok lang yan pagpasukan na gusto nanaman natin ng break haha
TumugonBurahinTama ka. To think na wala na tayong break hanggang mag-March. Salamat na lang at may fair.
TumugonBurahinmasarap maging bum... basta sumusweldo (nge)
TumugonBurahinParang gusto kong i-delete itong sinabi mo. Baka mahalata tayo. Hehe.
TumugonBurahin