Nakakatawa at nakakatuwa.
Talagang lumalagpas ang gawain ng guro sa apat na sulok ng silid-aralan. Ganon din sa loob ng apat na markahang magkasama kayo ng mga estudyante.
Kakatwa pero gaano man ang naging hirap ng iyong loob minsan o madalas (depende sa klase at estudyante) dahil sa mga hindi inaasahan at hindi mo rin naman ibig mangyari sa loob ng iyong silid-aralan, guro ka pa ring ituturing ng mga mag-aaral na iyon.
Ituturing ka pa rin nilang ala fountain of all knowledge and seat of wisdom.
Tulad ngayon, nagre-research ako tungkol sa RH bill at heroism from the filipino point of view.
Dati naman, ang paghahagilap sa sagot sa tanong na ano raw kaya ang magandang costume nila Donya Victorina at Don Tiburcio para sa report nila, pati na kung ano iyong tulang mukhang hindi tula na binanggit mo nang pahapyaw sa klase dahil assignment daw.
Dahil sa lahat ng ito, naiisip kong marapat lamang na hindi sirain ang araw mo o paghimagsikan ng loob ang buong klase kung merong isa o dalawang estudyanteng hindi kaibig-ibig ang ugali at atitud sa iyo. Pero gaya nga ng sabi ko, kahit ang mga ito, titingnan ka pa rin nilang pinagkakautangan ng loob at maasahan sa kanilang kagipitan.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento