Medyo magastos ang paskong ito sa akin kumpara sa mga nagdaan.
Dalawa ang sasamahan kong christmas parties na may exchange gifts. Isa kasama ang kagawaran at ang isa naman kasama ang mga kaibigan. Paolo Coelho's latest book (hinanap ko sa dalawang bookstores ang Brida paperback edition, wala; kaya witch from portebello na lang) at isang uri ng damit (secret muna kung ano) ang nakalista sa wish list ng mga nabunot ko. 200-300 pesos ang suggested (required?) na halaga ng mga regalo.
Nakapagbigay na rin ako sa isa kong inaanak ng pera nuong aksidenteng masumpungan niya ako sa Ateneo. Iniisip ko pa kung ano ang ibibigay ko sa dalawa kong pamangking babae at sa inaanak na biglang susulpot. Gusto nila ng comics ng Wizard of Oz kaya lang naubusan ng kopya sa Comic Odyssey. Guillermo Stilton book naman ang isa. Parehong hindi bababa sa 200 pesos ang mga iyon. Haaay...
Watchmen naman ang regalo ko sa sarili ko. At kahapon na nakita ko ang Apologia Pro Vita Sua ni John Henry Cardinal Newman, kinumbinsi ko na rin ang loob ko na christmas gift ko iyon sa sarili ko, kaya binili ko na rin.
Naglaan din ako para sa labingisang mentees ko. Paano na kaya ang mga tatlong buong klase, ano kaya ang maibibigay ko na hindi mapipilay ang finances ko?
Balak ko ring bigyan ng kahit token ang mga kaibigan ko kaya pagkatapos nito, didiretso ako sa GSC para maghanap-hanap bago pumunta sa Gerry's Grill para sa pagtitipon ng kagawaran.
Pero nakakatuwa na merong nakaalala na magbigay. Sina Christian, Ma'am Rosie, Sir Allen, ang XSPA, at siyempre siguradong makatatanggap rin ako ng dalawang regalo galing sa mga kasama at kaibigan.
Bakit ba ako nagba-blog tungkol dito. Para lang ba maibsan ang guilt na nararamdaman ko na gumagasta ako nang higit sa nararapat? Hindi rin. Gusto kong maalaala itong taong ito na nagbigay ako at ako ay nabigyan.
huwag kang magbigay kung nagrereklamo ka.
TumugonBurahinwahahahahahaha!
Eh di hindi rin ako nabigyan! Hahahaha! Gift mo sa akin! Akina!
TumugonBurahinhingin mo kay perps. isa na lang iyon. hehe
TumugonBurahinYey!
TumugonBurahin